Monday, 26 August 2013

Be Your Own Language!

The Philippines has 1,707 islands which was divided into 3 namely Luzon, Visayas, and Mindanao. According to the history, the Philippines has been visited by many nations like chinese, japanese, etc. Because of these nations which has their own language, we, Pilipinos learned a lot of it. So, what must be our language?
          Nakatatak parin sa isipan ng karamihan ang pagsakop at panirahan ng mga dayuhan sa ating bansa ng maraming taon. Nakapaloob rin na ang ating bansa ay namana ang mga kultura, tradisyon at pati narin lengwahe ng mga banyaga.  Mga taon ay lumipas at tayo’y naging matatag para iliban ang ating karapatan para sa ating bansa, dahil ang ating bansa ay nararapat na maging malaya. 
Nagkaintindihan at nagkaunawaan ang mga Pilipino dahil sa ginagamit na wika. Ang wikang Filipino ang dahilan kung bakit ang mga mamamayan sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas ay nagbubuklod para sa iisang mithiin. Mithiing mapaalis ang mga banyaga. Mithiing makasiguro na ang ating bansa ay makamit ang kalayaan. Kaya dapat natin paunlarin ang wikang atin. Pero paano natin ito paunladin kung pati mga saloobin natin ay ayaw natin ipahayag dahil sa takot?
Ginawang Wikang Pambansa ang Wikang Filipino sa deklerasyon ng ating dating pangulo na si Pang. Manuel L. Quezon. Mula noon, pinapahalagahan na natin at ginamit ito para makipagtalastasan at makipagugnayan. Ginamit rin natin ito bilang sandata para sa daang matuwid. Para maiwasan ang mga katiwalian gaya ng ‘di pagkaintindihan at ‘di pagkakasunduan.
Upang matahak natin ang daang matuwid kailangan natin ng talas ng isipan, determinasyon na kakayanin ang lahat ng mga pagsubok sa buhay, at pagmamahal sa sariling wika. Dahil ayon sa tula ng ating Pambansang Bayani si Gat. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa malansang isda.” Sa matuwid na daan natin makakamit ang kaginhawaan.
Ang wika natin ang daang matuwid kung kaya’t ito ang nagsasabi na tayong mga Pilipino ay may kakayahan upang maging isang instrumento sa lahat. Sa wika natin naipapakita ang ating Pagka-Pilipino.
        Our language is the key to success. 

0 comments:

Post a Comment